Wednesday, June 15, 2011

Ang pangarap kong Jackpot

Ilang araw na din ako nag-bblog, marami-rami na rin akong naisulat tungkol sa kung anu-anong bagay. Mula sa mga anomalyang nangyayari sa Pilipinas, sa nalalapit kong pag-explore ng Cebu hanggang sa kalokohan ng pag-ibig at mga kasawian ko dito. May maisulat lang ba.

So ano na naman kaya ang isusulat ko ngayon? Hmm. Hunyo. Buwan ng kasalan (ok, kasawian na naman!) I can’t help it, yan ang mga pangyayaring nakapaligid sakin ngayon. Kasalan dyan, kasalan don. Ako na lang yata ang bukod-tanging naglalaway sa ideya na yan! Nakakatawa!


Nung high school ako, meron kaming nabuong barkadahan. Lahat kami sa grupo ay mga promising ladies (haha, promising talaga!) Kidding aside, mga bright kasi ang mga ito, at lahat sila’y mga di makabasag pinggan. (ewan ko ba kung paano ako nakasali sa grupo na to, e hindi lang pinggan ang binabasag ko.) At dahil dyan, sila na! sila na talaga ang mga pansinin sa batch! Mapa-higher level o pedopilya, nahuhumaling sa kanila. Hinakot na nila ang lahat ng awards! Bongga diba! Pero tatlo sa amin (una, maganda naman siya at matalino rin pero may katabaan. Pangalawa, bakla. Ako ang pangatlo – makapal ang kilay, may braces, payat) Kami ang mga walang love life!

Madalas, telebabad kami sa telepono. Uso pa nun ang three-way conference. Walang araw na hindi kami nagtanong kung bakit wala kaming pag-ibig sa school. Isang tanong na hindi ko makalimutan, pero hindi ko rin masagot – Panget ba tayo? Lols. Feeling ko hindi naman, talagang choosy lang kami HAHA.

Kaya naman kapag may after school hang outs kami at ang mga manliligaw / boyfriends na nila ang napag-uusapan, nananahimik kami sa isang tabi. Kunwa-kunwaring nakikinig  o kaya busy-busyhan sa pagtetext.

Sa araw na to, karamihan sa barkada naming ang engaged na, kung hindi man, tali na. Kaming tatlo? Well, trabaho ang love life naming. Si una, nasa states na at nag nnurse doon, nagpapayaman. Single parin. Si pangalawa, O.R. nurse. Single din. Ako? Eto, pa-petix petix lang at syempre, single rin. MOMOL group, yan ang itatawag ko sa secret society namin. Make-out make-out lang.

Pero hindi naman kami nagging single forever. Hindi naman kami kauri ni Imang na walang singpanget. Pero ang mga relationships namin, lahat fail. Well, lost nila yun. Chura ha!

Early next year, magcchurch wedding na ang isa naming kaibigan sa boyfriend niya for 10 years. Akalain mo yun! Yun at yun lang ang naging boyfriend nya. Sa sampung taon nilang pagsasama, akming tatlo ay nagpapaligsahan naman kung ilang lalaki ang mahuhumaling samin. ANg saya diba.

Ini-imagine kong maglalakad din ako papunta sa altar, at sasalubong sakin ang pinaka gwapong lalaking baliw na baliw sakin. Hanggang sa oras na to, imagination pa rin yan. HAHA. Funny how weddings always make me cry. NUng kinasal ang kapatid ko, humahagulgol ako. Daig ko pa ang nanay ko sa iyak. (Classic! Hahaha) I have no idea why, but maybe because…. Yan ang biggest dream ko. TO BE A LAWFULLY WEDDED WIFE! Chos. What a funny thought.

O siya, maghahanap na muna ako ng tutupad ng aking pangarap. HA!

allvoices

No comments:

Post a Comment