Friday, June 10, 2011

Only in the Philippines!



CLAP CLAP CLAP!  Kay husay talaga ng mga opisyales ng PCSO. Sa kabila ng pangakong tumulong sa mga nangangailangan, sila pa ay nagnanakaw ng pondong nakalaan sa mga mahihirap lalo na sa mga may sakit.
Halagang P300 milyon ang para sana sa maraming inidibidwal na kumakapit at umaasa sa PCSO. Totoo nga ang sabi nila, ang mayayaman ay lalo pang yumayaman, at ang mahihirap ay lalo pang humihirap. Only in the Philippine, ika nga ng mga banyaga. Sa dinami rami ng aking kaibigan mula sa iba’t ibang bansa, tuwing bumibisita sila dito, bukod sa mga popular tourist spots na masayang puntahan, malimit din namin mapag kwentuhan ang pamamalakad dito sa Pinas!  Paano nga ba?
Politika. Oposyales. Korapsyon. Siraan. Hatakan. Inggitan. Di-pagkakaunawaan. Pera. Suhol. Kanya-kanya.
Yaan. Yan ang Pilipinas. Mahusay, hindi ba?
Nakalulungkot isipin na ang mga opisyales na ito ay  mula sa mararangyang pamilya, at produkto ng mga magagandang eskuwelahan kung saan ang edukasyon ay magaling. Ngunit hindi pala kasama dito ang mahusay na paghubog sa kanilang katauhan. Sila ay mga propesyonal at mataas na uri ng tao sa lipunan na sana’y tumutulong sa mga nakakababa sa kanila. Para lamang yang kapatiran, hindi ba.
Korupsyon parin ba? Hindi na ba ito talagang maiiwasan? Pera, pera, pera. Yan na nga lang ba ang mahalaga? Sa P300 Milyon halaga na para sana sa pagpapagamot ng mga may sakit, nakuha pa nilang limasin at gamitin ang pera para sa kanilang sariling kapakanan.
Buhay ng tao ang pinag-uusapan natin dito. At tayo ay magkaka lahi, magkakapatid. Ang kaunlaran ng isa ay kaunlaran ng lahat.
Paumanhin sa ating mga kapatid na napagdamutan, nalinlang, at higit sa lahat, nasakatan.
allvoices

No comments:

Post a Comment